Viktoria | ‘To Be Near You’
September 2011
42 posts
Rocksteddy | ‘Magpakailanman’
Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko sayo
Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin magpakailanman
Few hours had passed, and I am still here.
Sitting at the dim and cold corner of the bar.
Thirsty.
I’ve been drowning myself with rum and coke.
Neither drunk, nor quenched,
I want something to drink.
As I asked the bartender for another round, her eyes met mine’s. Glistening. Piercing. Enthralling. Throat appeared parched. Urges became stronger. I need to drink. I want her. I need her. I entered the first cubicle. She was there, waiting for me. I need not to knock, it was open. Lips are touching. Tongues are intertwined. Hands are crawling. Then I found her fragrant neck. Tempting. … … … A loud, high-pitched scream woke me from my nightmare. … … … At last, I am quenched.
Ginising ako ni Bathala
sa pagdampi ng umaga sa aking mukha.
O anong ligaya ng araw na pinagpala.
Kapiling kana, aking sinta.
Para akong nasa ulap,
namumukadkad na mga rosas aking nalalanghap.
Matingkad ang mga kulay,
wala ng sasaya pa ganitong buhay.
Tapos na ang paghihintay.
Naghihintay,
sa pagdating ng umaga.
Ngumingiti,
hindi magkamayaw ang saya.
Dahil sa pagdating mo,
nagka kulay ang mundo.
Dahil sa pagdating mo,
nagigising ang puso ko.
Dahil sa pagdating,
naiibsan ang pangungulila ko sa pag-big
Nag-iisa,
pero masaya.
Silent Sanctuary | ‘Rebound’
Dahil iniwan mo kong mag-isa
Limang araw lang ay babay na
October 24, 2010 11:53 PM
Pitong minuto bago matapos ang birthday ko. Halos lahat ata ng kaibigan, kamag-anak at kaaway ko binati na ako. Ikaw na lang ang kulang.
Biglang nag-ring yung telepono ko. Mike – Calling. Hindi ko alam ang gagawin ko, sasagutin ko ba at kakausapin ka? O hahayaan ko lang mag-ring ng mag-ring at tuluyang magtampo.
‘Hello?! Happy Birthday! Akala mo nakalimutan ko no? Baba ka, nasa tapat ako ng gate niyo’
Hindi ko nagawang sumagot, dali-dali akong bumaba at binuksan ang gate. Namiss kita, nawala lahat ng galit ko sayo. Agad kitang niyakap. Akala ko nalimutan mo na.
‘Gusto ko, ako ang huling babati sayo. O, regalo ko, wala akong pera, pero alam kong favorite mo yan.’
Isang kaha ng yosi, dalawang beer, ice cream, at Mr. Chips.
‘Ano pang hinihintay mo? Tara na, tabihan mo na ako dito sa banketa. Simulan na yan.’
Mahigit dalawang oras tayong nag usap, nagkamustahan, kwentuhan, kumanta, nag gaguhan, inubos ang kaha ng yosi, beer, ice cream at Mr. Chips.
‘Sobrang namiss kita, Namiss ko din tong session natin’
Hindi ako umimik, hindi ko alam ang isasagot ko sayo. Nakatingin ako sa kawalan, panay buntong hininga. May nais sabihin, pero inuunahan ako ng takot.
…
…
…
…
…
‘Alis na ako, maaga pa ako bukas, dumaan lang ako para batiin ka. Happy birthday ulit, Mahal na mahal kita…
…bespren.’
Naiwan ako sa bangketa, nakatingin pa din sa kawalan. Panay buntong hininga.
October 25, 2010
3:17 AM
Mahigit pitong taon ang nakalipas ng malaman kong mahal na mahal kita.
Urbandub | ‘Evidence’
Time has a way of healing, or so they say
So why am I still left here crying?
Skins barely touching. Almost. But not yet. Just our eyes doing the talking, piercing to each other’s lonesomeness.
In this obscure, icy, and secluded part of the cinema, it’s just you and me.
I want to feel your warmth. Inside me. I want you. And I know you want it too. Just for this moment, let me understand how it feels to be loved. How it feels to be kissed. And how it feels to be grasped in pain and pleasure.
Skins are still barely touching. Almost. But I still don’t have the courage to do it. Your eyes are still doing the talking, piercing mine’s. Seducing. It excites me, still I am unhappy.
Lying on your side on a icy, and damp floor.
Moaning.
Groaning.
Sobbing.
Begging for compassion.
I just stared.
No words coming from my mouth,
just deep breaths and sighs.
Piercing my eyes to your wounds.
Every time you bleed,
I bleed.
Sitting on this dilapidated rocking chair.
Swinging, still holding this bread knife in my hand,
and a cigarette on the other one.
Puffing.
Trembling.
Staring at your weak gray eyes.
Alas!
Try to hurt me again.
And I will stab you four more times.
Eraserheads | ‘Fill Her’
and when i get near all my fears disappear
and i won’t be alone anymore
Spongecola | ‘Dragonfly’
Why can’t you see me like I see you
Can’t you feel me like I feel you
Can’t you be with me tonight
Naisipan kong bagtasin ang daan patungo sa inyo. Umaasang muling makikita kita. Naglalakad, pababa ng MRT, nakasakay sa jeep, tumatawid, okaya’y paakyat ng footbridge.
Gusto kitang kausapin. Tanungin. Kung ano nga ba ang nangyari sa atin.
Wala ako sa ulirat ko, basta nagmaneho ako, at kumaliwa doon sa may kanto. Diredirecho. Alam ko, pag tinahak ko ang daan ito, ako’y patungo sa iyo.
Buendia. Dito tayo unang nagkita, sa ibaba ng gusaling pinagtatrabahuhan mo, kumakain ka pa nga ng mais non, ako naman bumibili ng fishball. Napakadami nating ala-ala.
Kumanan ako sa Ayala, sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa traffic at ganda ng mga sumasayaw na ilaw ng mga parol. Sa Glorietta tayo unang nag date. Kumain, nanood ng sine, nag kape. Doon ko nalaman na napakarami nating pagkakapareha.
Nakita ko na naman ang Sogo sa Guadalupe, naalala ko din kung paano tayo unang nag check-in. Kitang kita ang kaba sa iyong mukha, namumutla.
Dinerecho ko ang Boni. Ilang dipa pa palang bumungad sa akin ang Shangri-La mall sa Shaw. Natatandaan mo pa ba ang haba ng ipinila natin para makanood ng isang film sa Eiga Sai, at ang mga tinulugan mong pelikula sa French Film Festival. Sana sa mga susunod na taon, maulit pa.
Namiss ko na ang Banchetto, sa tuwing nasa Ortigas tayo, yun lagi ang inuungot mo, na gusto mong kumain ng isaw, ng liempo, ng pasta, habang naka upo sa may bangketa. Namimiss na din kita.
Santolan, tapos Cubao. Doon din ata kung saan ang pag-ibig ko sayo’y pumaibabaw. Paano ba naman, hinawakan at inalalayan mo ako nung gabing nalasing ako sa Mogwai, utak ko tuloy, hindi nakipag-away.
Kamuning. Tapos Quezon Ave. galit ko sa sarili’y biglang nagliyab. Bakit ba hinayaan ang relasyon ay nagka-gap.
Muling nasilayan ang ganda Trinoma at SM North Edsa. Daliang bumalik lahat ng masasayang ala-ala. Mga gunita na laging kasama ka.
Nais kitang makita.
Alam kong malapit kana.
Pabilis ng pabilis ang aking andar.
Hanggang sa…
…tumigil ang kotse sa may Munoz, hindi ko namalayan,
buhay ko’y natapos.
Lahat naman tayo tanga pagdating sa pag-ibig, yung tipong tatanggapin mo parin siya ng buong buo kahit gaano pa ang kamaliang nagawa niya. Ganun ata talaga e, kasi nga mahal mo.
Parang si Vicki Belo lang yan na muling bukas palad na tinanggap si Hayden Kho. Kahit gaano ka gago si Hayden, kahit gaano kadaming sex videos ang lumabas, kahit kung sinu-sino ang natikman niya, nagpatawad pa rin si Vicki. Ganun nga talaga, mahal niya e.
Okaya naman, nalaman mong may isa pang kinakasama ang taong pinakamamahal mo. Kahit naloko ka, kahit pinagsabay kayo, kahit naging kabit ka, tinanggap mo pa din siya, kasi nga, mahal mo.
Tulad din ng mga sugar mommies, daddies, at mga parokyano ng insurance program (matandang bading, na may batang nobyo) kahit nagmumukha silang tanga sa harap-harapang panlolokong ginagawa ng mga batang kapareha, kahit namumulubi na sila kakapabili ng kung anu-ano ni sweetheart, ay okay lang. Tanggap ng lang tanggap, kasi nga mahal nila e.
Kaya nga kung may problem aka sa pag-ibig, mas maiging kausapin mo ay ang mga single, hindi lang sa malawak ang pag-iisip nila, e kitang-kita din nila ang buong mukha ng istorya. Siguro, magtataka ka kung bakit hihingi ka ng tulong sa isang single na tao, e hindi naman niya maiintindihan. Kasi ang single, pag umibig yan, tanga na din yan. Tulad mo. Tulad ko. Tulad ng lahat ng taong naniniwala sa putang inang pag-ibig na yan.
True Faith | ‘Awit Para Sa Kanya’
Pagkat sa kanyang mga ngiti
Ako’y sumusuko
Orange and Lemons | ‘Heaven Knows’
And my eyes are like windshields on a rainy day
Almost rubbed-out, swelling
Misan, dadating tayo sa puntong ayaw mo na. Yung tipong pagod na pagod kana sa nangyayari. Paulit-ulit. Makikilala, makaka-usap, makakalandian, mamahalin mo, tapos sasaktan ka, at iiwan.
Sana totoo na lang ang spell na ginagamit para makalimot. Gustong kong kalimutan ang lahat. Nais kong takasan ang sakit, bawat ala-ala ay tila tama ng mga ligaw na bala. Bawat salita, tumatagos sa aking buto’t laman.
Ngunit mas pinili kong masaktan, upang kahit papaano, hindi ko malimutan ang ating saya, ang ating masasayang ala-ala. Ang iyong hitsura, ang iyong bawat ngiti, ang init ng iyong mga yakap, at tamis ng iyong mga halik.
Mahal na mahal kita.