socially awkward.

Text

Sa papaanong paraan ko sasabihin ang mga katagang “mahal kita”,

kung lagi ka namang wala at hindi nakakasama.

Sa papaanong paraan ko maipadarama ang aking pagmamahal,

kung ang pag-uusap natin ay hindi nagtatagal.


Sa papaanong paraan kita mahahawakan ng lubusan,

kung ang mga kamay mo ay laging may tangan-tangan.

Sa papaanong paraan kita tuluyang mahahagkan,

kung ang aking mga labi ay malimit mong iniiwasan.


Sa papaanong paraan ko madarama ang iyong pagmamahal,

kung ang puso ko’y pinaglalaruan at ginagawang hangal.

Sa papaanong paraan ko isisigaw na ako ay nasasaktan,

kung ang iyong tinig lang ang malimit mong pinakikinggan.


Sa papaanong paraan ko sasambitin ang salitang “atin”,

kung alam ko namang ikaw ay hindi naging akin.

Sa papaanong paraan kita lilimutin ng agad-agad,

kung ang puso ko ay hawak mo at pagmamahal ko sayo ay sagad.


Sa papaanong paraan ko tutuldukan ang isang relasyon,

kung alam kong ito ay hindi nabigyan ng pagkakataon.

Sa papaanong paraan ko tatapusin ang aking tula,

kung ito ay kailanman ay hindi nag simula.

via funkienokie
Posted on Saturday, June 23 2012. Tagged with: texttulapoemfrom my old multiply site
13
Notes
  1. locatethesky likes this
  2. funkienokie reblogged this from funkienokie and added:
    Sa papaanong paraan ko sasabihin ang mga katagang “mahal kita”, kung lagi ka namang wala at hindi nakakasama. Sa...
  3. le-grotesque likes this
  4. andresrizal likes this
  5. theimperfectgal likes this
  6. utaklato likes this
  7. sumasablay likes this
  8. darwinpogi likes this
  9. nalbuphine said: HUHUHUHU
  10. nalbuphine likes this
  11. thenameiskevin likes this
  12. funkienokie posted this
socially awkward. waiting, finding, losing, smiling.
ASK. Submit
Previous Next