Posts tagged lit

Posted 1 week ago

strangers.

funkienokie:

Three inches.

Just few more,

and our skin is almost touching –

warm and silky, against mine.


Three inches. 

A few more,

and your world will meet mine –

like yin and yang.


Three inches.

Few more,

and I will start a conversation –

your name and number maybe.


I wished I had enough courage

to take,

three more inches

of space.


Posted 2 months ago

strangers.

Three inches.

Just few more,

and our skin is almost touching –

warm and silky, against mine.


Three inches. 

A few more,

and your world will meet mine –

like yin and yang.


Three inches.

Few more,

and I will start a conversation –

your name and number maybe.


I wished I had enough courage

to take,

three more inches

of space.


Posted 3 months ago

Romeo and Julius.

funkienokie:

‘Maya ka na punta, and2 pa tropa e. Kulitz ng kuya mo, ayaw umuwi. Ttxt kta pag oks na. love u bhe.’

Heto na naman tayo, pahirapan para magkita. Ilang oras na naman ba akong maghihintay para makasama kita? Para mahagkan, mahawakan ang iyong mga kamay, mayakap, at marinig ang iyong boses.

Ako nga pala si Julius, 14 years old, laking skwater, laking Pasay, laking Tramo, at isang dakilang tambay. Marami na akong napag daanan, muntik masaksak, naka-saksak, nambugbog, binugbog, namakla, nagpa-chupa, chumupa, nag rugby, nag yosi, uminom, nakulong, at kung anu-ano pa.

Sa angas kong ‘to, hindi ko aakalaing titiklop ako, maiinlab sabi nga nila. At sa dinami dami ng tao sa mundo, sa kabarkada pa ng utol ko, si Romeo.

‘Wag kna magalit bhe, saglit na lang 2. Papauwiin ko na din sila. Gus2 na kta makita. :)’

Nakilala ko si Romeo noong isang taon, birthday ni kuya. Kabarkada’t kaklase daw niya. Hindi ko naman siya trip noong una, mas gusto ko kaibigan nilang si Jenny na malaki ang suso, kahit maitim at puro libag, malaki pa din ang suso. Niyaya ako ni kuya sa inuman, gin, tubig at red horse lang. Hindi ako masyadong nakainom kasi ako ang inuutusan ni kuya na bumili ng mga pulutan. Hanggang sa naki-ihi si Romeo sa kubeta, lasing na siya, at doon nag simula ang lahat.

Halos gabi-gabi kaming magkatext, kamustahan, gaguhan, kwentuhan, hanggang sa palihim na kaming nagkikita sa Libertad tapos pupunta kami sa kanila, doon na ako nagpapalipas ng gabi at minsan inuumaga na ng uwi.

‘Magbihis kana, punta kana d2 after 15 mins. Aalis na 2ng mga 2, sbi ko di ako pwede lumabas.’

Hindi alam ni kuya ang nangyayari samin ni Romeo, panigurado bugbog ang abot ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako bakla, lumaki ako lalake, astig. Pero kakaiba ang naramdaman ko sa kanya, kung pagiging bakla nga ‘to, edi bakla, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang importante, masaya ako, kami ni Romeo, masaya kami sa aming mundo.

‘Pumasok ka nlng. Bukas yung pinto, hihiga muna ko. Gcngin mo ako pag nakatulog ako’

Halos mag 6 months na kami, hindi kami perpekto tulad ng ibang mag karelasyon. Sa tuwing nag-aaway kami, laging may sigawan, suntukan, selosan, murahan, at batuhan. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi namin mahal ang isa’t-isa. Nagkataon lang na pareho kaming sanggano, pareho kaming pisikal, at parehong astig. Kahit ganon ang relasyon namin, alam kong ito ay totoo.

Mahal na mahal ko si Romeo.

Malamang nakatulog na naman yun, hindi na ako pinansin, malapit naman na ako, papasok na lang ako at tatabi sa kanya, gusto ko na din mag pahinga…

‘Naalimpungatan ako, asan kna?

‘Bhe?’

‘Huy! San kna?’

‘Reply nman diyan!’

‘Galit kba?’

‘Tutuloy ka pb? Kung hndi na sasara ko na pin2’

TANG INA! HINDI PALA AKO UNLI! Naghanap ako ng malapit na tindahan, kahit mga magbabalut tinanong ko kung may tinda silang load, naghanap na din ako ng 7-11 at Ministop, wala talaga.

‘Kinakabahan ako, asan kb? Lalabas ako para hanapin ka. Hintayin kta sa kanto’

Hindi na ako sumagot, gugulatin ko na lang siya sa kanto, malamang siya yung nasa may poste.

AY PUTANG INA! ROMEO! TANG INA! SINONG GUMAWA SAYO NITO?

Sa sobrang galit ko, hindi ko na din namalayang ang nakatusok na icepick din sa tagiliran ko…

Posted 4 months ago

Bi-polar.

Kakaibang init ang naramdaman kong dumaloy sa aking katawan nang nasilayan kong naka-hubad ng pang-itaas si Brando at pawisan.


“Hindi pwede ito! Lalaki ako. Mahal ko ang asawa’t mga anak ko”

“Hay nako ghurl, wit ka na mag maganda, palay na nga ang lumalapit sa manok, aarte pa! Bet ka din niyan ni Brando, and for sure, wala namang makakita sa inyo. Go for the gold Ramon! Isipin mo na lang ang feeling ng malaki niyang alaga na kumi-kiwal kiwal sa lalamunan moh! Bonggels diba!

“Tumigil ka nga sa kalandian mo Mona! Matagal ko ng iniwan ang mga gawaing yan! Nagbago na ako, at ayoko ng balikan ang madilim na parte ng aking nakaraan. Ayokong magkasala.”

“Hoy pokpok! Ang drama mo! Best Actress awardee sa Gawad Urian? Tigil tigilan mo nga ako! If I know, basang basa na ang kipay mo, dahil abs pa lang ulam na! At ang nota, eat all you can! Kaloka ka!”

“Mona, please. Ayoko. Pigilan mo ako.”

“Ah ganon? Ayaw mo nga ano? Kasi hanggang ngayon nakatitig ka pa din sa mala-Macheteng niyang katawan. At naka nganga ka pa talaga. Anong iniintay mo? Malaking burat mula sa langit? At teh! Yung pinky finger mo, paki tiklop, obvious na obvious ka!”

“Ambisyosa tong Robocop na to! Pa-mhinta! Ayaw pa kasi lumabas sa Narnia, Ghurl amoy naptalina kana, try mo! And besides, ikaw na lang ata ang hindi nakakaalam na bakla ka!”

“Putang ina Mona sinabi kong tumigil kana!”

“Okay fine! Vina Morales ikaw ba yan? Siyempre, dinaan na naman sa dahas, galit-galitan school of acting. Akala mo ba mabrobrokot akez? Wit! Cynthia Luster kaba sa buhay ko? Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa ang galit! Dadating din ang araw magsisisi ka at mag may I thank you ka sa beauty ko!”

“Wala akong pakialam! Lumayas ka sa isipan ko!”

“Fine! Pag ikaw lumandi at kailangan mo ng aking advise bahala ka! Mag enjoy ka sa Narnia! Magsama kayo ng asawa mo! TOMBOY! BABOO! CHURA MO GHURL!

Posted 7 months ago

Romeo and Julius.

‘Maya ka na punta, and2 pa tropa e. Kulitz ng kuya mo, ayaw umuwi. Ttxt kta pag oks na. love u bhe.’

Heto na naman tayo, pahirapan para magkita. Ilang oras na naman ba akong maghihintay para makasama kita? Para mahagkan, mahawakan ang iyong mga kamay, mayakap, at marinig ang iyong boses.

Ako nga pala si Julius, 14 years old, laking skwater, laking Pasay, laking Tramo, at isang dakilang tambay. Marami na akong napag daanan, muntik masaksak, naka-saksak, nambugbog, binugbog, namakla, nagpa-chupa, chumupa, nag rugby, nag yosi, uminom, nakulong, at kung anu-ano pa.

Sa angas kong ‘to, hindi ko aakalaing titiklop ako, maiinlab sabi nga nila. At sa dinami dami ng tao sa mundo, sa kabarkada pa ng utol ko, si Romeo.

‘Wag kna magalit bhe, saglit na lang 2. Papauwiin ko na din sila. Gus2 na kta makita. :)’

Nakilala ko si Romeo noong isang taon, birthday ni kuya. Kabarkada’t kaklase daw niya. Hindi ko naman siya trip noong una, mas gusto ko kaibigan nilang si Jenny na malaki ang suso, kahit maitim at puro libag, malaki pa din ang suso. Niyaya ako ni kuya sa inuman, gin, tubig at red horse lang. Hindi ako masyadong nakainom kasi ako ang inuutusan ni kuya na bumili ng mga pulutan. Hanggang sa naki-ihi si Romeo sa kubeta, lasing na siya, at doon nag simula ang lahat.

Halos gabi-gabi kaming magkatext, kamustahan, gaguhan, kwentuhan, hanggang sa palihim na kaming nagkikita sa Libertad tapos pupunta kami sa kanila, doon na ako nagpapalipas ng gabi at minsan inuumaga na ng uwi.

‘Magbihis kana, punta kana d2 after 15 mins. Aalis na 2ng mga 2, sbi ko di ako pwede lumabas.’

Hindi alam ni kuya ang nangyayari samin ni Romeo, panigurado bugbog ang abot ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako bakla, lumaki ako lalake, astig. Pero kakaiba ang naramdaman ko sa kanya, kung pagiging bakla nga ‘to, edi bakla, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang importante, masaya ako, kami ni Romeo, masaya kami sa aming mundo.

‘Pumasok ka nlng. Bukas yung pinto, hihiga muna ko. Gcngin mo ako pag nakatulog ako’

Halos mag 6 months na kami, hindi kami perpekto tulad ng ibang mag karelasyon. Sa tuwing nag-aaway kami, laging may sigawan, suntukan, selosan, murahan, at batuhan. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi namin mahal ang isa’t-isa. Nagkataon lang na pareho kaming sanggano, pareho kaming pisikal, at parehong astig. Kahit ganon ang relasyon namin, alam kong ito ay totoo.

Mahal na mahal ko si Romeo.

Malamang nakatulog na naman yun, hindi na ako pinansin, malapit naman na ako, papasok na lang ako at tatabi sa kanya, gusto ko na din mag pahinga…

‘Naalimpungatan ako, asan kna?

‘Bhe?’

‘Huy! San kna?’

‘Reply nman diyan!’

‘Galit kba?’

‘Tutuloy ka pb? Kung hndi na sasara ko na pin2’

TANG INA! HINDI PALA AKO UNLI! Naghanap ako ng malapit na tindahan, kahit mga magbabalut tinanong ko kung may tinda silang load, naghanap na din ako ng 7-11 at Ministop, wala talaga.

‘Kinakabahan ako, asan kb? Lalabas ako para hanapin ka. Hintayin kta sa kanto’

Hindi na ako sumagot, gugulatin ko na lang siya sa kanto, malamang siya yung nasa may poste.

AY PUTANG INA! ROMEO! TANG INA! SINONG GUMAWA SAYO NITO?

Sa sobrang galit ko, hindi ko na din namalayang ang nakatusok na icepick din sa tagiliran ko…

Posted 8 months ago

highway 54

Naisipan kong bagtasin ang daan patungo sa inyo. Umaasang muling makikita kita. Naglalakad, pababa ng MRT, nakasakay sa jeep, tumatawid, okaya’y paakyat ng footbridge.

Gusto kitang kausapin. Tanungin. Kung ano nga ba ang nangyari sa atin.

Wala ako sa ulirat ko, basta nagmaneho ako, at kumaliwa doon sa may kanto. Diredirecho. Alam ko, pag tinahak ko ang daan ito, ako’y patungo sa iyo.

Buendia. Dito tayo unang nagkita, sa ibaba ng gusaling pinagtatrabahuhan mo, kumakain ka pa nga ng mais non, ako naman bumibili ng fishball. Napakadami nating ala-ala.

Kumanan ako sa Ayala, sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa traffic at ganda ng mga sumasayaw na ilaw ng mga parol. Sa Glorietta tayo unang nag date. Kumain, nanood ng sine, nag kape. Doon ko nalaman na napakarami nating pagkakapareha.

Nakita ko na naman ang Sogo sa Guadalupe, naalala ko din kung paano tayo unang nag check-in. Kitang kita ang kaba sa iyong mukha, namumutla.

Dinerecho ko ang Boni. Ilang dipa pa palang bumungad sa akin ang Shangri-La mall sa Shaw. Natatandaan mo pa ba ang haba ng ipinila natin para makanood ng isang film sa Eiga Sai, at ang mga tinulugan mong pelikula sa French Film Festival. Sana sa mga susunod na taon, maulit pa.

Namiss ko na ang Banchetto, sa tuwing nasa Ortigas tayo, yun lagi ang inuungot mo, na gusto mong kumain ng isaw, ng liempo, ng pasta, habang naka upo sa may bangketa. Namimiss na din kita.

Santolan, tapos Cubao. Doon din ata kung saan ang pag-ibig ko sayo’y pumaibabaw. Paano ba naman, hinawakan at inalalayan mo ako nung gabing nalasing ako sa Mogwai, utak ko tuloy, hindi nakipag-away.

Kamuning. Tapos Quezon Ave. galit ko sa sarili’y biglang nagliyab. Bakit ba hinayaan ang relasyon ay nagka-gap.

Muling nasilayan ang ganda Trinoma at SM North Edsa. Daliang bumalik lahat ng masasayang ala-ala. Mga gunita na laging kasama ka.

Nais kitang makita.

Alam kong malapit kana.

Pabilis ng pabilis ang aking andar.

Hanggang sa…

…tumigil ang kotse sa may Munoz, hindi ko namalayan,

buhay ko’y natapos.

Posted 8 months ago

she said, he said.

Do you still love me?

Paranoia eats me.

Darkness scares me.

Coldness sends shivers to my spine.

I feel alone, unloved, and unwanted.

Where’s your promise?

Where’s my sun?

Why can’t I feel your love and warmth.

I am longing for your touch, for your kiss, and for your hug

I am craving for your presence.

I miss you. I love you.


I will always love you.

Don’t think that way.

Darkness won’t scare you.

Coldness won’t send shivers to your spine.

Don’t feel alone, unloved, and unwanted.

So long as my promise is in your heart,

trust your sun that it will shine once more,

and eventually you’ll feel my warmth again.

My touch, my kisses, and my hugs

will always be yours no matter what.

I miss you more. I love you forever.

Posted 8 months ago

cineplex II

Ang paligid ay nababalutan ng dilim, at tanging mumunting liwanag na nanggagaling sa pinilakang tabing ang nagsisilbing ilaw.

Nakakabingi ang katahimikan.

Sa gitna ng payapang pagkakataon, isang malalim na bugtong hininga ang puma-ibabaw.

Parehong magkalapit at nakamasdan sa malayo na para bang nakatulala at may naglalaro sa malikhaing isipan.

Unti-unti, ang mga mga palad ay nagtagpo, at tuluyang naging isa.

Ang init ng palad ang nagsilbing hudyat sa pagdaloy ng natutulog na dugo, mula talampakan hanggang sa mga namimintog na pisngi.

Pawang kagalakan ang naramdaman, hindi inakalang ito’y pagbibigyan ng panahon at pagkakataon.

Sa maikling sandali, nadarama ko ang bawat pag pintig ng iyong puso, ang bawat pagsigaw nito, na ang tanging ibinubulong ay ang pangalan ko.

Sa maikling pagkakataong iyon, nahawakan ko ang puso mo, at ako’y minamahal mo.

Nais kong malusaw, sa tuwing magtatagpo ang aking paningin at iyong mapupungay na mata, sa tuwing sisilip ang iyong mapuputing ngipin sa iyong mapupulang labi.


Nasi kitang hagkan, nais kong mapasa-iyo, at ninanais kong ika’y mapasaakin.



Isang nakakabulag na liwanag ang sumalubong sa aking mukha.
Mainit.
Nakakasilaw.



Panaginip.



Nakakapanlinlang na panaginip.
Panaginip na punong-puno ng paghihintay at pag-asa.



Ako’y muling bumalik sa realidad.
Bumangon.
At patuloy na umaasang ito ay mapagbibigyan ng pagkakataon.

Posted 8 months ago

pototoy story.

Umuulan na naman.

Kaya ayaw ko ng ganitong mga buwan, halos araw-araw umuulan, kaya araw-araw din akong malungkot kasi araw-araw din kitang naalala.

Ikaw na ata ang isa sa pinaka duwag kong nakilala. Paano ba naman, takot na takot sa kulog at kidlat, kulang na lang magtago ka sa ilalim ng kama ng dahil sa kaba.

Lagi naman akong nasa tabi mo, para yakapin ka, at pakalmahin ka. Diba binigyan pa nga kita ng ‘Woody’ na stuffed toy, tapos ikaw naman binigyan mo ako ng ‘Buzz Lightyear’.  Best friends, tulad nila, parang tayo. Ikaw ang bestfriend ko, tulad ni Buzz, ikaw ang laging nagtatanggol sa akin. Natatawa  nga ako tuwing naalala ko kung bakit si Woody ang bigay ko, sabi mo kasi, madalas akong may ‘woody’.

Ikaw kasi, iniwan mo ako. Sayang, e di sana ikaw ang katabi ko. Sana magkasama tayo ngayon, nakahiga sa kama, magkahawak ng kamay, pinag-uusapan natin yung future natin, habang kumakanta si Adele okaya nama’y si Armi.

Namimiss ko na ang gaspang ng kamay mo. Sa tuwing hinahawakan mo ako, ramdam ko ang bawat kanto ng kalyo sa mga palad mo. Magaspang, makapal, pero mainit. Ramdam ko, parang pagmamahal mo.

Namimiss na kita. Sobra. Akala ko madaling limutin ka, pero hindi pala. Mahigit isang taon na ang lumipas, pero ramdam ko pa din ang sakit at kirot sa pagkawala mo.

Sigurado ako, masaya ka na ngayon sa kinaroroonan mo. Alam kong walang kulog o kidlat diyan sa paraiso. Puro bukang liwayway at baghari ang palaging nakikita mo.

Tumila na ang ulan dito, kalian kaya titila ang pagluha ng mga mata ko? Sana sa pagmulat ko, ika’y muling makasama ko sa luntiang paraiso.