Errol: Ito oh, bigay sa akin yan ng tatay ko nung pumasa ako sa bar. Hindi yan gold plated ha, pinagipunan daw niya yan.
Jun: Bakit mo binibigay sa akin?
Errol: Anniversary gift.
Jun: Tarantado! Anong anniversary?
Errol: Eh kasi wala naman tayong anniversary eh. Kaya tuwing magkikita tayo, yun na lang ang anniversary natin.
Jun: Siraulo ka talaga!
Jun: Sister, sa tingin niyo po, tatanggapin pa ako ng simbahan?
Sister: Not in our lifetime. Huwag na nating pag-usapan yan, kung tayo ay tatanggapin ng simbahan, ang importante, tatanggapin tayo ng Diyos.
Muli (The Affair), 2010
Based on Jerry Gracio’s Palanca-winning screenplay, the film chronicles the spanning love story between an underground activist/inn keeper (Lucero) and a lawyer (Domingo) in Baguio City whose complications, joys and tragedies provide a testament to the ultimate power of love.
Huling Halik
Kapag pumanaw ang mga hamog,
sa nangangatog na dahon ng punong pino.
Sabihing nakalimutan ko na,
ang unang araw ng ating pagkikita.
Ibulong sa aking hindi ko na maalala,
bawat tahimik na paglalakad.
Na para bang atin,
ang siyudad ng kabundukan.
Kapag ubos na ang lahat
ng hamog sa Baguio
Sabihin mo sa aking lanta na
ang alaalang kasama ka
At ang aking pagpapahalaga
ay wala ng silbi pa.