Posts tagged sayaw ng dalawang kaliwang paa

Posted 7 months ago
[Flash 9 is required to listen to audio.]

beatricemata:

Kinukumutan Ka ng Aking Titig — Ruth Elynia Mabanglo

Kinukumutan ka ng aking titig -
Isang siyudad ng pag-ibig:
Dilim na binabagtas ng mga hipo,
Liwanag na kaakibat ng mga pangako.
Nililiyo ako ng mga haplos,
Binubura ng mga alaala.
Ay, tila ugat akong nabubunot,
Umaangat,
Lumilipad,
Mga mata’y nag-uulap.

Nilalakbay ko ang katawan mo,
Buwan akong umiikot
Sa iyong sinukob,
Nilulukob kita hanggang panaginip,
Nilalagok ang iyong tinig,
Natitigmak ako hanggang buto,
Humahagod sa ligamgam ng iyong hininga,
Humihimlay sa iyong mga halik
Hanggang alaala’y mapaknit
At sa pusod ko’y sumanib.

Mahal, ako’y napapapikit.

Posted 10 months ago

Ako, siya, at ang aming dalawang kaliwang paa.

Iminulat tayo ng lipunan sa  mga konsepto ng pagiging tama, normal at moral. Hindi katanggap tanggap ang pagiging kakaiba, o maging makabago. Palaging ihinahalintulad sa nakasanayang pamantayan at kaugalian ng ating lipunan. Kung ito’y kadalasang ginagawa ng karamihan, ito ay tama, at kung ito’y kakaiba, ito ay mali.

Ang kutsara ay kapareha ng tinidor, kaliwa at para sa kanan, at ang babae para sa lalaki. Hindi maari ang parehong pares ng tinidor, parehas na kaliwa, maging pares ng lalaki.

Ang pelikulang ‘Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa’ ay hindi tungkol sa dalawang taong nagsusumikap matututong sumayaw. Bagkus, ito’y patungkol sa dalawang mananayaw na piniling magkaroon ng tig-isang pares ng kaliwang paa - Mahirap man matutunan ang ritmo ng awit ng buhay at pag-ibig, pikit mata man nilang haharapin ang mapanghusgang mga mata ng lipunan, basta’t sila’y masaya sa kanilang maliit at makulay na entablado (mundo) basta’t hawak kamay silang magkasama, naniniwala silang sabay nilang matututunang muling sumayaw sa bawat indak ng buhay. 

Ako, siya, at aming dalawang kaliwang paa, mali man sa paningin ng iba, ang mahalaga kami’y parehong masaya.