Now Watching.
ADD ME!
Bloodjinx8794
Sorry na, ngayon lang ako naglaro nito :)
Errol: Ito oh, bigay sa akin yan ng tatay ko nung pumasa ako sa bar. Hindi yan gold plated ha, pinagipunan daw niya yan.
Jun: Bakit mo binibigay sa akin?
Errol: Anniversary gift.
Jun: Tarantado! Anong anniversary?
Errol: Eh kasi wala naman tayong anniversary eh. Kaya tuwing magkikita tayo, yun na lang ang anniversary natin.
Jun: Siraulo ka talaga!
Jun: Ilang taon na ba tayo?
Errol: Magkakilala? Fifteen years.
Jun: Magkakilala lang ba tayo?
Errol: Ilang taon ba kasing ano?
Jun: Magkarelasyon. Kung tutuusin, fifteen years na nga tayo magkakilala. Pero ilang taon na ba tayong magkarelasyon?
Errol: Para naman kasing bata e. 32 na ako, 34 ka na. Anong gusto mo? Mag-celebrate tayo ng anniversary? Anong gusto mong i-celebrate natin? First embrace? First touch? First kiss? First fuck? Anong ise-celebrate natin?
Jun: Ano mo ba ako? Kabit?
Errol: Jun, kasal ako. At, may kinakasama ka din naman diba?
Jun: Lalake ang kinakasama ko.
Errol: At ako, babae.
Jun: Iiwan ko si Roland.
Errol: Sige, iwanan mo.
Jun: Ikaw?
Errol: Jun, kasal ako. Anong gusto mo? Iwanan ko din ang asawa’t anak ko?
Jun: Ba’t kasi naghahanap tayo ng kapareha? Dahil ayaw ba natin mag-isa? Para may mag-aalaga sa atin?
Errol: Hindi. Naghahanap tayo ng kapareha, pare mahalin natin. Para hindi natin maramdaman ang lungkot.
ang loser ko ba kung sasabihin kong ngayon ko pa lang to papanoorin?