‘Maya ka na punta, and2 pa tropa e. Kulitz ng kuya mo, ayaw umuwi. Ttxt kta pag oks na. love u bhe.’
Heto na naman tayo, pahirapan para magkita. Ilang oras na naman ba akong maghihintay para makasama kita? Para mahagkan, mahawakan ang iyong mga kamay, mayakap, at marinig ang iyong boses.
Ako nga pala si Julius, 14 years old, laking skwater, laking Pasay, laking Tramo, at isang dakilang tambay. Marami na akong napag daanan, muntik masaksak, naka-saksak, nambugbog, binugbog, namakla, nagpa-chupa, chumupa, nag rugby, nag yosi, uminom, nakulong, at kung anu-ano pa.
Sa angas kong ‘to, hindi ko aakalaing titiklop ako, maiinlab sabi nga nila. At sa dinami dami ng tao sa mundo, sa kabarkada pa ng utol ko, si Romeo.
‘Wag kna magalit bhe, saglit na lang 2. Papauwiin ko na din sila. Gus2 na kta makita. :)’
Nakilala ko si Romeo noong isang taon, birthday ni kuya. Kabarkada’t kaklase daw niya. Hindi ko naman siya trip noong una, mas gusto ko kaibigan nilang si Jenny na malaki ang suso, kahit maitim at puro libag, malaki pa din ang suso. Niyaya ako ni kuya sa inuman, gin, tubig at red horse lang. Hindi ako masyadong nakainom kasi ako ang inuutusan ni kuya na bumili ng mga pulutan. Hanggang sa naki-ihi si Romeo sa kubeta, lasing na siya, at doon nag simula ang lahat.
Halos gabi-gabi kaming magkatext, kamustahan, gaguhan, kwentuhan, hanggang sa palihim na kaming nagkikita sa Libertad tapos pupunta kami sa kanila, doon na ako nagpapalipas ng gabi at minsan inuumaga na ng uwi.
‘Magbihis kana, punta kana d2 after 15 mins. Aalis na 2ng mga 2, sbi ko di ako pwede lumabas.’
Hindi alam ni kuya ang nangyayari samin ni Romeo, panigurado bugbog ang abot ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako bakla, lumaki ako lalake, astig. Pero kakaiba ang naramdaman ko sa kanya, kung pagiging bakla nga ‘to, edi bakla, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang importante, masaya ako, kami ni Romeo, masaya kami sa aming mundo.
‘Pumasok ka nlng. Bukas yung pinto, hihiga muna ko. Gcngin mo ako pag nakatulog ako’
Halos mag 6 months na kami, hindi kami perpekto tulad ng ibang mag karelasyon. Sa tuwing nag-aaway kami, laging may sigawan, suntukan, selosan, murahan, at batuhan. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi namin mahal ang isa’t-isa. Nagkataon lang na pareho kaming sanggano, pareho kaming pisikal, at parehong astig. Kahit ganon ang relasyon namin, alam kong ito ay totoo.
Mahal na mahal ko si Romeo.
Malamang nakatulog na naman yun, hindi na ako pinansin, malapit naman na ako, papasok na lang ako at tatabi sa kanya, gusto ko na din mag pahinga…
‘Naalimpungatan ako, asan kna?
‘Bhe?’
‘Huy! San kna?’
‘Reply nman diyan!’
‘Galit kba?’
‘Tutuloy ka pb? Kung hndi na sasara ko na pin2’
TANG INA! HINDI PALA AKO UNLI! Naghanap ako ng malapit na tindahan, kahit mga magbabalut tinanong ko kung may tinda silang load, naghanap na din ako ng 7-11 at Ministop, wala talaga.
‘Kinakabahan ako, asan kb? Lalabas ako para hanapin ka. Hintayin kta sa kanto’
Hindi na ako sumagot, gugulatin ko na lang siya sa kanto, malamang siya yung nasa may poste.
…
…
…
…
…
AY PUTANG INA! ROMEO! TANG INA! SINONG GUMAWA SAYO NITO?
Sa sobrang galit ko, hindi ko na din namalayang ang nakatusok na icepick din sa tagiliran ko…
“Hon, sobrang na-miss kita… Ako ba? Hindi mo na-miss? Nami-miss ka na din nitong alaga ko.”
“Ramon naman! Pagod ako, alam mo namang galing ako sa biyahe, pagpahingahin mo naman ako!”
“Hon, sige na! Ilang araw din akong natigang sa’yo. Miss na miss na kita! Sige na, pagbigyan mo na ako.”
“Si Hon talaga, sige na nga! Kung hindi ka lang talaga magaling mag-romansa. Teka, mag aayos muna na ako, amoy pawis ako. Mag-shower lang ako sandali. I’ll be right back!”
“BULAGA! Hoy shiboli bars kong marse! Ano? Kakain ka na naman ng tahong? Wiz mo na ba talaga betchikola ang notches? Ang talong? Ang upo? Ang hotdog? Ang saging? Maghunos dili ka! Nakakasuka yang ginagawa mo!”
“Tang ina mong bakla ka! Tumigil ka Mona! Sabi ko naman sa’yo ayoko na! nagbagong buhay na ako! Mahal ko ang asawa’t anak ko!”
“So pag may asawa’t anak hindi na bakla? Hindi na pwedeng timikim ng lalake? E paano na sina Ogie Diaz, si Arnel Ignacio, si Papa P, si Paolo Ballesteros, si Edu? If I know, tigang na tigang ka nang makatikim ng tite! Ipokritong to!”
“Oo, inaamin ko! May mga pagkakataong nauuhaw ako, at kahit anong bigay ng asawa ko ng tubig, hindi pa rin ito mapawi!”
“TARAY! Baklitang makata ang peg! Ayun naman pala! Nauuhaw ka, halika na’t pumunta tayo sa lugar kung saan maraming tubo at gripo, papawiin nila ang uhaw na tinatamasa mo!”
“Mona, umalis kana, babalik na ang asawa ko! Naligo lang saglit yun.”
“Alam mo Ramon, choice mo yan. Either maiiwan ka dito at makipag bongkangan ka sa malansang kimchi ng asawa mo, o sasama ka sa akin para tamasahin ang ligayang dapat naramdaman mo noon pa”
“Mona…”
“Hay, chuserang froglette tong lalaking version ng sarili ko! Kakaloka! Sige na, wit namanchi kita maipipilit.” Sayang may discount card pa naman ako sa White bird, daming bird dun, at mapuputi, mababango’t mahahaba! Tapos pwede tayo magpamasahe with extra service, para maranasan mo naman ang sensual massage! PAK! Aarte ka pa?! Tatangihan mo ang offer ko?”
“Hon, I’m ready!”
“Ay! Ang chakang jowa nandiyan na! So long, farewell na akez, go-goura na ako! Baboo! Sayonara! Paalam!
“Hon, sino yung kausap mo?”
“Ah wala, Sorry…”
“Teka, saan ka pupunta? Ramon!”
“Sorry, pero kailangan kong gawin to”
“RAMON! BUMALIK KA DITO! PUTANG INA MO!”
“…”
“…”
“…”
“Ay panalo ka Ramon! Walkout queen ang peg! Halika na’t Bumetty Go-Belmonte na tayiz at madami pa tayong pupuntahan!”
‘Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Mag pahinga muna tayo. Kailangan kong mag-isip, I need space.’
Ito ang last message na sinend sakin ni Jerty. Mahigit isang linggo na din ng huli kaming nagka-usap, ang masama pa dito, sa text pa. Hinayaan ko na lang, binigyan ko ng oras para makapag-isip, minsan kasi, nakakasawa talaga ang pag-aaway, lalo na kung mga simpleng bagay lang yung pinagmumulan. Gusto ko din mag-isip kung masaya pa ba ako sa relasyong ‘to.
Binasa ko ulit yung message, gustong-gusto ko ng mag reply. Nais ko na siyang maka-usap at puntahan. Sana maayos pa namin ‘to, ayokong itapon ang mahigit isa’t kalahating taon naming pagsasama. Hinding-hindi ako susuko, hindi ko hahayaang mawala yung taong pinakamamahal ko, yung taong nagbibigay sa akin ng dahilan para mabuhay at para tumawa.
Nakatingin lang ako sa kawalan. Mahigit isang oras na ata akong nasa loob ng aking sasakyan, nakahinto, hindi alam ang paroroonan.
Nilibot ko ang Maynila, dumaan ng EDSA, umikot sa Taft, binagtas ang Roxas, tumabay sa Tagaytay, at nagpalipas ng oras sa Paseo De Sta. Rosa. Nagmuni-muni, nag-isip.
Saan na nga ba pupulutin ang relasyong ito?
Para akong nasa pelikula ni Cathy Garcia-Molina okaya kay Bb. Joyce Bernal, on queue ang pagbuhos ng ulan kasabay ang pagtutog ng ‘Di Lang Ikaw’ ni Juris. Naknampucha lang. Nakakabwisit talaga. Akalain mong pati tadhana pinaglalaruan ako.
Doon ko narealize ang lahat, para akong mamatay at nag flashback ang mga memories namin ni Jerty. Yung una naming date, yung videos, pictures, food trips, yung pareho naming mga damit, yung mga simpleng pagtatalo, yung pangingiliti niya, yung tawa niya, mga kanta ko para sa kanya, bawat halik, bawat yakap, lahat ng bagay na binigay niya.
Napangiti na lang ako habang tumutulo ang luha sa aking pisngi. Mahal ko pa nga si Jerty. Hindi ko kayang mawala siya.
Naisipan kong umuwi at kunin ang lahat ng bagay na makapagpapaalala kay Jerty ng aming pagmamahalan. Medyo baduy pero gagawin ko, kasi mahal ko yung tao.
Alas otcho, aabot pa ako, pwedeng pwede pa kong dumaan ng bahay, kunin yung mga gamit at pumunta sa kanila. Dali-dali akong pumasok sa kwarto para kunin yung mga ‘memories’ namin at nagulat na lang ako sa aking nakita.
Isang lalaking naka-upo sa gilid ng aking kama, kahit madilim, kilala ko kung sino ito.
‘Jerty?’
Bigla niya akong niyakap. Ramdam ko ang kanyang bawat pagtangis kasabay ng matinding paghawak.
‘I am sorry Kevin. I love you’
Ngumiti lang ako. Tinitigan sa mata. Hinagkan.
‘I love you too. Mahal na mahal kita’
‘Maya ka na punta, and2 pa tropa e. Kulitz ng kuya mo, ayaw umuwi. Ttxt kta pag oks na. love u bhe.’
Heto na naman tayo, pahirapan para magkita. Ilang oras na naman ba akong maghihintay para makasama kita? Para mahagkan, mahawakan ang iyong mga kamay, mayakap, at marinig ang iyong boses.
Ako nga pala si Julius, 14 years old, laking skwater, laking Pasay, laking Tramo, at isang dakilang tambay. Marami na akong napag daanan, muntik masaksak, naka-saksak, nambugbog, binugbog, namakla, nagpa-chupa, chumupa, nag rugby, nag yosi, uminom, nakulong, at kung anu-ano pa.
Sa angas kong ‘to, hindi ko aakalaing titiklop ako, maiinlab sabi nga nila. At sa dinami dami ng tao sa mundo, sa kabarkada pa ng utol ko, si Romeo.
‘Wag kna magalit bhe, saglit na lang 2. Papauwiin ko na din sila. Gus2 na kta makita. :)’
Nakilala ko si Romeo noong isang taon, birthday ni kuya. Kabarkada’t kaklase daw niya. Hindi ko naman siya trip noong una, mas gusto ko kaibigan nilang si Jenny na malaki ang suso, kahit maitim at puro libag, malaki pa din ang suso. Niyaya ako ni kuya sa inuman, gin, tubig at red horse lang. Hindi ako masyadong nakainom kasi ako ang inuutusan ni kuya na bumili ng mga pulutan. Hanggang sa naki-ihi si Romeo sa kubeta, lasing na siya, at doon nag simula ang lahat.
Halos gabi-gabi kaming magkatext, kamustahan, gaguhan, kwentuhan, hanggang sa palihim na kaming nagkikita sa Libertad tapos pupunta kami sa kanila, doon na ako nagpapalipas ng gabi at minsan inuumaga na ng uwi.
‘Magbihis kana, punta kana d2 after 15 mins. Aalis na 2ng mga 2, sbi ko di ako pwede lumabas.’
Hindi alam ni kuya ang nangyayari samin ni Romeo, panigurado bugbog ang abot ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako bakla, lumaki ako lalake, astig. Pero kakaiba ang naramdaman ko sa kanya, kung pagiging bakla nga ‘to, edi bakla, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang importante, masaya ako, kami ni Romeo, masaya kami sa aming mundo.
‘Pumasok ka nlng. Bukas yung pinto, hihiga muna ko. Gcngin mo ako pag nakatulog ako’
Halos mag 6 months na kami, hindi kami perpekto tulad ng ibang mag karelasyon. Sa tuwing nag-aaway kami, laging may sigawan, suntukan, selosan, murahan, at batuhan. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi namin mahal ang isa’t-isa. Nagkataon lang na pareho kaming sanggano, pareho kaming pisikal, at parehong astig. Kahit ganon ang relasyon namin, alam kong ito ay totoo.
Mahal na mahal ko si Romeo.
Malamang nakatulog na naman yun, hindi na ako pinansin, malapit naman na ako, papasok na lang ako at tatabi sa kanya, gusto ko na din mag pahinga…
‘Naalimpungatan ako, asan kna?
‘Bhe?’
‘Huy! San kna?’
‘Reply nman diyan!’
‘Galit kba?’
‘Tutuloy ka pb? Kung hndi na sasara ko na pin2’
TANG INA! HINDI PALA AKO UNLI! Naghanap ako ng malapit na tindahan, kahit mga magbabalut tinanong ko kung may tinda silang load, naghanap na din ako ng 7-11 at Ministop, wala talaga.
‘Kinakabahan ako, asan kb? Lalabas ako para hanapin ka. Hintayin kta sa kanto’
Hindi na ako sumagot, gugulatin ko na lang siya sa kanto, malamang siya yung nasa may poste.
…
…
…
…
…
AY PUTANG INA! ROMEO! TANG INA! SINONG GUMAWA SAYO NITO?
Sa sobrang galit ko, hindi ko na din namalayang ang nakatusok na icepick din sa tagiliran ko…
Naisipan kong bagtasin ang daan patungo sa inyo. Umaasang muling makikita kita. Naglalakad, pababa ng MRT, nakasakay sa jeep, tumatawid, okaya’y paakyat ng footbridge.
Gusto kitang kausapin. Tanungin. Kung ano nga ba ang nangyari sa atin.
Wala ako sa ulirat ko, basta nagmaneho ako, at kumaliwa doon sa may kanto. Diredirecho. Alam ko, pag tinahak ko ang daan ito, ako’y patungo sa iyo.
Buendia. Dito tayo unang nagkita, sa ibaba ng gusaling pinagtatrabahuhan mo, kumakain ka pa nga ng mais non, ako naman bumibili ng fishball. Napakadami nating ala-ala.
Kumanan ako sa Ayala, sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa traffic at ganda ng mga sumasayaw na ilaw ng mga parol. Sa Glorietta tayo unang nag date. Kumain, nanood ng sine, nag kape. Doon ko nalaman na napakarami nating pagkakapareha.
Nakita ko na naman ang Sogo sa Guadalupe, naalala ko din kung paano tayo unang nag check-in. Kitang kita ang kaba sa iyong mukha, namumutla.
Dinerecho ko ang Boni. Ilang dipa pa palang bumungad sa akin ang Shangri-La mall sa Shaw. Natatandaan mo pa ba ang haba ng ipinila natin para makanood ng isang film sa Eiga Sai, at ang mga tinulugan mong pelikula sa French Film Festival. Sana sa mga susunod na taon, maulit pa.
Namiss ko na ang Banchetto, sa tuwing nasa Ortigas tayo, yun lagi ang inuungot mo, na gusto mong kumain ng isaw, ng liempo, ng pasta, habang naka upo sa may bangketa. Namimiss na din kita.
Santolan, tapos Cubao. Doon din ata kung saan ang pag-ibig ko sayo’y pumaibabaw. Paano ba naman, hinawakan at inalalayan mo ako nung gabing nalasing ako sa Mogwai, utak ko tuloy, hindi nakipag-away.
Kamuning. Tapos Quezon Ave. galit ko sa sarili’y biglang nagliyab. Bakit ba hinayaan ang relasyon ay nagka-gap.
Muling nasilayan ang ganda Trinoma at SM North Edsa. Daliang bumalik lahat ng masasayang ala-ala. Mga gunita na laging kasama ka.
Nais kitang makita.
Alam kong malapit kana.
Pabilis ng pabilis ang aking andar.
Hanggang sa…
…tumigil ang kotse sa may Munoz, hindi ko namalayan,
buhay ko’y natapos.